25 July, 2009

Kapitan Sino: Kaunting masasabi.

Wag manggamit ng tao. Siguro ganun nga yung nais sabihin ni bob ong. Lumabas kasi sa libro yung iba't ibang anggulo ng panggagamit at pang aabuso sa kakayahan ng ibang tao. Nakakalungkot lang kasi nakita ko rin ang sa sarili ko sa isang banda ng kwento. Ako si Rogelio.
Ang ayoko lang, politikal. Pero ang maganda lang, kahit nakakainis kasi politikal, totoo lahat. Totoo na ang tao ay mahilig manghingi ng tulong, at abusuhin ito. Totoo na ang taong tumutulong ay bulag sa katotohanang niloloko at inaabuso na siya ng mga tao. Totoo na ang taong tumutulong ay nawawalan ng sariling pagkakakilanlan dahil sa nauubos ang kanyang oras sa kakatulong sa mga taong nagiging tamad.

Maganda rin ang setting ng kwento. 90's. Nabanggit lahat ng may kinalaman sa pang araw araw na buhay ng panahong iyon. Ganun din yung ginagawa namin ng mga kaibigan ko pag nakatambay lang. Inaalala yung mga kendi, chichiria, palabas, laro, at kung anuanu pa, na bumalot sa aming kabataan. Doon naman talaga magaling si bob e. Gamitin ang nakaraan mo para maaliw sa libro niya.

Para naman maging technical ako, sasabihin ko na lang din na walang nagbago sa "style" ng pagsusulat niya.Malaya. May mga maling spelling kahit tagalog, pero ayos lang. Si bob ong yun e.

Ayoko na maging masyadong epal sa sinulat ni bob ong dahil naiiyak lang ako. Basta alam ko, ako si Rogelio. Salamat sa mga bok-bok ng buhay ko. At mas maraming salamat sa nag-iisang Tessa ng buhay ko.

Sa mga Aling Precious at Aling Baby, magbago na tayo.

At sa mga Mayor at Bise sa buhay ko, tsk tsk tsk lang ang masasabi ko.

Salamat.

No comments:

Post a Comment