Habang hinihithit ko ang kahuli-hulihang yosi ko sa harap ng ELJ building, magkahalong tuwa at lungkot ang namumutawi sakin. Nag-resign na naman ako, but this time nagpaalam ako. Naghalohalong reminiscing at pasasalamat sa hangin at sa buong building ang ginawa ko...
Naisip ko lang, siguro nga I have already learned my lessons. Hindi na ko parang tangang bigla na lang tumatakbo kapag nagkakagulo na mag-isa. Hindi na ko tulad ng dating takot sabihin ang tunay na nararamdaman at sabihin kung bakit ako aalis. At higit sa lahat, hindi na ko takot magpaalam.
Habang nasa taxi ako, abot abot ang pasasalamat ko sa Diyos at sa wakas alam kong may nagbabago. Sa totoo lang, pinaglabanan ko rin yung katamaran ko kanina bago ako pumunta sa opisina at mag-file ng immediate resignation. Pero sa kabila ng lahat, alam ko nagawa ko ang dapat kong gawin. At napakasarap ng pakiramdam kapag wala kang iniisip, hindi ka nagtatago, at higit sa lahat, nakapagpaalam ng maayos.
Kaya bago maubos ang huling stick ng yosi ko, nais kong pasalamatan ang lahat ng taong nagturo sa akin kung paano harapin ang katotohanan. Sabay ang ngiti sa pagpatak ng luha.
No comments:
Post a Comment